Friday, October 31, 2008

December 26, 2007

http://www.gmanews.tv/story/74225/OFW-sa-Jeddah-na-maysakit-naghihintay-makauwi

OFW sa Jeddah na maysakit, naghihintay makauwi
12/26/2007 07:23 PM

Isang OFW na tumakas sa kanyang amo at dinapuan ng sakit ang dinala sa Philippine consulate sa Jeddah noong bisperas ng Pasko. Ang 47-taon gulang na si Edgardo Bolocon, tubong Saint Bernard sa Southern Leyte at dating nagtatrabaho bilang auto painter sa Albaha, ay dinala sa konsulado ng mga Filipinong nag-aruga sa kanya ng ilang linggo matapos na s'ya ay makalabas sa King Fahad Hospital.

Ayon kay Jaylord Case, isa sa mga kumupkop kay Bolocon, "gustuhin man namin s'yang alagaan ng matagal ay hindi na pwede talaga dahil pinagsabihan na kami na magkakaproblema kami pag hindi pa namin s'ya aalisin kaya dinala na namin si Edgardo dito sa consulate."

Agad namang inasikaso ni OWWA Welfare Officer Romeo Pablo si Bolocon. Binigyan s'ya ng pansamantalang mahihigaan at nagtalaga ng mga nurse mula sa Dr. Erfan Hospital. Sina Marjorie Labio at Meris Siacor ang nag-aalaga kay Bolocon na may intravenous dextrose na makapagbibigay lakas sa pasyente.

Ayon sa medical report mula sa King Fahad, si Bolocod ay may sakit na obstructive jaundice, ascending cholangis, gluteal abscess at primary pulmonary hypertension. Idinagdag pa ng staff ng Assistance to Nationals Section sa konsulado na may iba pang mga komplikasyon na sakit ang biktima.Kailangan ni Bolocon ng exit visa at permit to travel upang makauwi sa Pilipinas. Si Bolocon ay tinutulungan ng isang OFW na si Baltazar Gozun na siyang nagdala sa kanya sa hospital upang ipagamot at s'ya ring nakikipag-ugnayan sa konsulado, bukod kay Gozun.

Isa pang Filipino na si Alfredo Mesa ang nag-aasikaso ng plane ticket at iba pang pangangailangan ni Bolocon upang makauwi na sa pamilya.Labing-isang taon na sa Saudi si Bolocon. Halos butot-balat na ang kanyang anyo, bukod pa sa paninilaw ng buong katawan at walang boses na lumalabas sa kanyang bibig kaya't ang pakikipag-usap sa kanya ay sa pamamagitan na lamang ng sulat."Magpapadala kami ng representative sa Albaha para makakuha ng travel permit para kay Bolocan at umaasa kami na mapauwi s'ya kaagad," paniniyak na pahayag ni Pablo. - Ronaldo Concha, GMANews.TV


No comments: